Malugod na ikinatuwa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang inilabas ng Labor Force Survey sa bansa.
Ayon sa survey na inilabas ng Philippine Statistics Office, tumaas ang bilang ng mga nagkaroon ng trabaho ngayong unang quarter ng taon na umabot sa 95.2%, mas mataas kumpara noong nakaraang taon na umabot lamang sa 93.6%.
Ayon sa DOLE, bumaba din ang bilang ng unemployment rate sa bansa mula 14.3% noong 2022 ay bumaba na sa 9.1% ngayong unang quarter ng taong 2023.
Kaugnay nito ayon sa Labor Department, maganda ang indikasyon ng mga datos at patuloy pa rin ang kagawaran sa pagsusulong ng mga programa at mga konsultasyon sa labor force sector upang madagdagan pa ang mga labor opportunity ng ating mga kababayan sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio