Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang kapwa ASEAN Leaders ang paglagda ng Pilipinas sa second protocol ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Area.
Sa Leader’s plenary session na bahagi ng ASEAN-Australia Special Summit, sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng ganitong kasunduan ay matutugunan nito ang mga bagong hamon sa pagnenegosyo na kinakaharap ng rehiyon.
Kumpiyansa din ang Chief Executive na sa pamamagitan ng ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Area ay mapapalakas pang Lalo ang supply chain, ang pagpapalawak ng kalakalan at pamumuhunan.
Tiyak na makikinabang dito sabi ng Pangulo ang MGA nasa micro, small, medium enterprise o MSME gayung mas mapapadali ang kanilang pakikilahok sa pandaigdigang kalakalan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa kanilang pag-access sa mga merkado pati na rin sa pagsusulong ng paggamit ng e-commerce.
Bukod sa kalalagda lang na agreement, sinabi ng Pangulo na naririyan din ang Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP Agreement na lalo pang magpapalakas sa economic cooperation sa rehiyon. | ulat ni Alvin Baltazar