Nakatakda nang simulan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kick-off ng expanded implementation ng Tara, Basa! Tutoring Program sa iba pang lalawigan sa bansa.
Ayon sa DSWD, ikakasa na ang ceremonial program launch ng Tara Basa Tutoring Program sa Cebu City sa biyernes, March 8.
Ito matapos na rin ang matagumpay na pilot run ng programa sa Metro Manila nitong 2023 kung saan libu libong estudyante ang nakinabang.
Bilang bahagi ng kick-off ceremony sa Cebu City, isang memorandum of agreement (MOA) ang lalagdaan sa pagitan ng DSWD Field Office-7 (Central Visayas), Cebu City LGU at Cebu Normal University.
“The MOA stipulates the duties and responsibilities of the stakeholders in ensuring the proper implementation of Tara, Basa! Tutoring Program in Cebu City,” DSWD spokesperson.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Strategic Communications Romel Lopez, bukod sa Ceby City, kabilang pa sa target areas para sa pinalawak na Tara Basa Tutoring Program ang San Jose Del Monte City at Malolos City sa Bulacan; Marawi City; Taraka sa Lanao Del Sur; Western Samar; General Santos City; at Quezon province.
Inaasahan din ang pakikilahok sa programa ng mas marami pang local government units (LGUs) sa NCR.
Sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring program, makakatanggap ng cash for work ang mapipiling college students kapalit ng pagiging tutor sa mga batang nahihirapang magbasa o youth development worker na magsasanay sa mga magulang na maging Nanay-Tatay Tutor sa kanilang mga anak sa bahay. | ulat ni Merry Ann Bastasa