Nilagdaan ng Office of the Presidential Adviser for Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) at Department of Health (DOH) ang isang kasunduan para sa pagkakaloob ng tulong medikal sa mga dating kalaban ng gobyerno sa ilalim ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program.
Sa kanyang pahayag sa signing ceremony, sinabi ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. na sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement (MOA) pagkakalooban ang mga nagbalik-loob ng pinalawak na “healthcare and medical services” sa mga pampublikong ospital sa buong bansa na sasagutin ng pambansang pamahalaan.
Ito’y bukod pa ₱58.8-million taunang alokasyon sa budget ng OPAPRU para sa PhilHealth premiums ng mga dating rebelde at na-dekomisyon na mandirigma.
Ayon kay Galvez, ipinapakita nito na determinado ang pamahalaan na pagandahin ang buhay ng mga benepisyaryo tungo sa kanilang kumpletong transpormasyon sa mapayapang pamumuhay.
Sinabi ni Galvez na mahigit 40,000 dating rebelde ang magiging benepisyaryo ng kasunduan. | ulat ni Leo Sarne
📸: OPAPRU
#RP1News
#BagongPilipinas