Hindi magiging hadlang ang pagtatayo ng Enhance Defense Cooperation Agreement sites sa bansa sa magiging sitwasyon ng Overseas Filipino Workers sa bansang Taiwan dahil sa pagkondena ng China hinggil sa ongoing Balikatan Exercise ng Estados Unidos sa bansa.
Sa Saturday News Forum sinabi Dela Salle University Professor for Diplomatic and International Realtions Renato Cruz De Casto na bagama’t nakapaloob ang Taiwan sa Peoples Republic of China ay may sariling desisyon ang naturang bansa para sa naturang issue.
Dagdag pa ni De Castro na wala namang kinalaman ang EDCA sa kasalukyang tensyon sa Taiwan Strait at layon ng EDCA na palakasin ang territorial defense ng Pilipinas sa tulong ng Estados Unidos. | ulat ni AJ Ignacio