Siniguro ng Commission on Elections (COMELEC) na kaya at handa ang kanilang hanay, sakaling isabay ang plebesito para sa Economic Charter Change sa May, 2025 Elections.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni COMELEC Spokesperson John Rex Laudiango, na kayang-kaya ito ng kanilang hanay, lalo ngayong mayrong bagong sistema na ipinatutupad ang COMELEC sa halalan.
Aniya, kayang mag-accomodate ng karagdagang katanungan sa plebesito.
Maari aniyang gumamit ng isang balota na pahahabain na lamang o dalawang balota, na kayang basahin ng iisang makina, para dito.
Bukod dito, makatitipid rin ang pamahalaan ng Php13 billion kung isasabay na lamang ang plebesito ng Economic ChaCha sa May 2025 Elections.
Kung mayroon aniya silang karagdagang pondo na kakailanganin, ito ay para na lamang sa honoraria ng mga guro at poll workers na magsisilbi at madaragdagan ang trabaho sa darating na halalan.| ulat ni Racquel Bayan