Aprubado na ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng Php212.77 million na pondo para sa DSWD sa BARMM, partikular para sa mga programang ipatutupad sa unang quarter ng 2024.
“Our collective efforts at developing BARMM are bearing fruit. Thus, our kababayans can be assured that we will continue to provide strong support to BARMM as we secure a future-proof and sustainable economy,” —Sec. Pangandaman.
Kabilang na dito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Social Pension for Indigent Senior Citizens, Sustainable Livelihood Program, Supplementary Feeding Program, at ang implementasyon ng Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang hakbang na ito ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhing patuloy na naipararating sa BARMM ang lahat ng kailangan nilang suporta mula sa national government, upang hindi ito mapag-iwanan.
“We will continue to give all the necessary aid to our brothers and sisters in Mindanao because their success is the success of every Filipino. This is aligned with the call of our beloved President Bongbong Marcos for a Bagong Pilipinas, where inclusivity and unity are of utmost importance. Sa Bagong Pilipinas, walang maiiwan, lalong-lalo na po ang Mindanao,” —Sec. Pangandaman.
Naniniwala aniya ang pangulo na ang tagumpay ng BARMM ay tagumpay din ng buong bansa.| ulat ni Racquel Bayan