Inihain ng Makabayan Bloc sa Kamara ang resolusyon upang ipaabot ang pakikiramay sa naiwang pamilya ng aktres na si Jacklyn Jose o Mary Jane Guck sa tunay na buhay.
Sa House Resolution 1628, ay kinilala ang legasiya at malaking ambag ng aktres sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Kabilang dito ang mga natanggap na parangal mula sa Gawad Urian, Famas Awards, at nominasyon sa Asian Film Awards.
Isa rin sa pinaka-prominenteng parangal na natanggap ni Jose ay ang ang pagiging nag-iisang Filipino at Southeast Asian na nagwaging Best Actress sa prestihiyosong Cannes Film Festival.
March 2 nang pumanaw si Jose dahil sa atake sa puso. | ulat ni Kathleen Jean Forbes