Welcome ng Department of Finance (DOF) ang pag-apruba ng Senado ng Real Property Valuation and Assessment Reform (RPVAR) o Senate Bill 2386 sa pangalawang pagbasa.
Layon ng panukalang batas na idevelop ang standard process para real property valuation, kung saan paghuhusayin nito ang koleksyon mula sa Real Property Tax.
Ayon sa DOF, ang RPVAR ay pagsusulong ng local autonomy ng local government units (LGUs) kung saan mananatili ang awtoridad ng mga local assessors para sa assesment ng tax rate.
Ang DOF sa pamamagitan naman ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) ang magtatatag ng standards sa Real Property Valuation Standards habang ang kalihim ng DOF ang mag-aapruba ng Schedule Market Value (SMV) na inihanda ng mga local assessors.
Ang Senate Bill ay sasalang na sa third reading sa susunod na linggo. | ulat ni Melany Valdoz Reyes