10th Infantry Division, pinalawak ang operasyon sa Bukidnon para tapusin ang problema sa NPA ngayong taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mas pinalawak ngayon ng 10th Infantry Division ang kanilang operasyon sa ilang bahagi ng Bukidnon sa target na tapusin ang New People’s Army (NPA) sa lugar na nasasakupan ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) ngayong taon.

Inihayag ni 10th ID Public Affairs Office Maj. Mark Tito na may ililipat na sa Bukidnon ang 48th Infantry Battalion mula sa Davao Region para supilin ang humihinang NPA Guerilla Front 57.

Ayon kay Tito inilipat ang nasabing tropa para mag-operate sa limang bayan ng Bukidnon partikular sa Kadingilan, Don Carlos, Maramag, Quezon, San Fernando at Eastern Portion ng Valencia City na dati’y sakop ng 4th Infantry Division.

Sa mga nabanggit na lugar umano nagtatago ang nasabing grupo ng NPA kaya puspusan ang kanilang gagawing operasyon para maisakatuparan ang mandato na Eastmincom na tapusin ang problema sa insurgency kung saan tinatarget ito hanggang katapusan ng Hunyo ngayong taon. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us