Positibo si Quezon Rep. Mark Enverga na makikinabang din ang sektor ng agrikultura matapos lumagda ang Pilipinas sa second protocol ng ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Agreement .
Ginawa ito sa pagdalo ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Australia-ASEAN Summit.
Bagamat pangunahing makikinabang dito ang mga micro, small, medium enterprise o MSME, sinabi ni Enverga na may benepisyo din dito ang agriculture at technology trade.
Sabi ni Enverga, nabigyan siya ng pagkakataon na makapunta sa Australia noon kung saan marami aniya silang mga teknolohiya na gustong dalhin dito sa Pilipinas.
Katunayan, mayroon na aniyang ilang programa sa bansa na sinimulan na nilang pondohan.
“I know there’s much to gain on the aspect of agriculture trade and of course technology trade, we were invited I think about two years ago to Australia. So, marami silang technology. We are working with the ACR, it is part of their Foreign Affairs Department na kung saan marami po silang mga technology na gustong dalhin dito and in fact they have started already funding some of the good programs here.” sabi ni Enverga.
Ayon naman kay 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez na ipinapakita ng kasunduang ito na aktibo ang pakikibahagi ng iba’t ibang bansa sa globalisasyon.
Kaya napapanahon aniya talaga ang pagtalakay sa economic charter change na magbibigay mensahe sa iba pang mga bans ana bukas ang Pilipinas para makipag negosyo. | ulat ni Kathleen Forbes