Nagsagawa ang pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng 3-day General Directorate Conference.
Layon nito na mapagyabong pa ang kakayanan ng ahensya na ipatupad ang kanilang technical vocational education and training program.
May tema ang naturang programa na ‘Building Momentum Evaluating Progress and Success for All Remaining Implementation 2024’.
Pinangunahan ang naturang kaganapan ni TESDA Director General, Sec. Suharto Mangudadatu kung saan binigyang diin nito na dapat samantalahin ang mga nagawa at napagtagumpayan ng ahensya at gamitin para mas lalo pang mapaunlad at maging matagumpay sa mga susunod na panahon.
Layon ng nasabing pagtitipon na mapag-usapan ang mga polisiya, mga nagawa nito at mga plano para maging isa sa mga nais ipatupad ng kalihim. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: TESDA