Binigyang diin ng pamunuan ng Government Service Insurance System na suportado ng kanilang opisina ang pabahay projects ni Pangulong Ferdinand. R. Macos Jr.
Ayon kay GSIS Corporate Communications Office Vice President Margie Jorillo, ginagawa nila ang lahat para suportahan ang nasabing proyekto kung saan binuksan na nila ang kanilang pabahay program maging sa mga hindi miyembro ng GSIS.
Paliwanag ni Jorillo, layon nito na makatulong mabawasan ang nasa 6.5 milyong Pilipino na walang sariling bahay.
Bilang pagtalima naman sa mithiin ng Bagong Pilipinas governance ng administrasyong Marcos ay mas pinadali na lang ng GSIS ang requirement sa pabahay project nito kung saan kinakailangan lang ng isang Pilipino na nasa legal na edad at may kapasidad magbayad.
Paalala ni Jorillo sa publiko na kabilin-bilinan sa kanila ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na iparamdam sa publiko ang ginahawa para sa lahat. | ulat ni Lorenz Tanjoco