Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagkakasawi ng dalawang Pilipinong seafarers sa pinakahuling pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.
Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na ikinalulungkot nila ang pagkasawi ng dalawang Pilipino kasabay ng pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga ito.
Hindi pa pinapangalan ng DMW ang dalawang biktima.
Maliban dito dalawang Pilipinong crewmen ang nasaktan sa pag-atake sa barko sa Gulf of Aden.
Sinabi ng DMW, na may direktiba na si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na magpaabot ng tulong sa pamilya ng naturang mga seafarer na nasawi at nasaktan.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa manning agency at shipowner upang matingnan ang kondisyon ng barko na inatake ng Houthi.
Sinisikap na rin nila ang repatriation o pagpapauwi sa mga natitira pang Pilipinong crew members sa inatakeng barko. | ulat ni Diane Lear