Nakahandang tumulong ang Department of foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipinong napasama sa isang kaguluhan sa bansang Thailand, kamakailan.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, nakatutok na ang Embahada ng Pilipinas sa Thailand sa lahat ng kakailanganin ng ating mga kababayan doon.
Dagdag pa ni De Vega, na maging ang legal assistance ng mga ito ay sasagutin na ng DFA para sa kanilang mga kakaharaping legal charges.
Muli namang paalala ng DFA sa mga kababayan natin na nasa naturang bansa maging sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa iba pang mga bansa, na maging maingat at panatilihin ang pagsunod sa mga batas ng bansang pinagtatrabahuan. | ulat ni AJ Ignacio