Bilang pakikiisa sa International Women’s Day, magkakasa ng iba’t ibang aktibidad ang Department of Migrant Workers (DMW) bukas, Marso 8.
Batay sa abiso ng DMW, bukas pasisinayaan ng Kagawaran ang isang mural na may pamagat na “Ang tahanan ng OFW” sa punong tanggapan nito sa Mandaluyong City.
Magkakaroon din ng Women’s Bazaar sa driveway ng nasabing gusali.
Pasisinayaan din ng DMW ang kanilang Nursing at Lactation room sa bahagi ng Balik Manggagawa lounge sa lower basement, para sa mga nanay na nagpapagatas sa kanilang mga supling
Pangungunahan ni Migrant Workers Officer-In-Charge, USec. Hans Leo Cacdac ang nabanggit na aktibidad. | ulat ni Jaymark Dagala