Naglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng listahan ng 20 karagdagang gamot na exempted sa Value Added Tax (VAT).
Batay sa Revenue Memorandum Circular No. 34-2024 na inisyu ni Commissioner Romeo Lumagui, Jr., 20 gamot para sa cancer, hypertension at mental illness ang tinanggalan ng VAT.
Kabilang dito ang 12 gamot sa cancer, apat sa hypertension at apat na gamot sa mental illness.
Ang inilabas na circular ay alinsunod sa liham ng Food and Drug Administration sa Department of Health, para sa updated na listahan ng VAT-Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 at Republic Act No. 11534 o ang TRAIN Law at CREATE Act. | ulat ni Diane Lear