Nangako ng tulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ng dalawang Pinoy na nasawi sa isinagawang missile attack ng Houthi Rebels sa Yemen.
Sa isang punong balitaan, sinabi ni OWWA Administrator Arnel Ignacio na magpapahatid sila ng tulong sa pamilya ng dalawang Pilipinong marino gayundin ang mga nakaligtas sa naturang pag-atake ay papaabutan din ng tulong.
Dagdag pa ni Ignacio na nakikipag-ugnayan na ang OWWA sa mga pamilya ng nasawi at agad nilang inaalam ang mga tulong na kakailanganin ng mga naulilang pamilya.
Muli namang siniguro ni Ignacio na sasagutin ng pamahalaan ang ba pang pangangailangan sa burol ng mga ito hanggang sa pagpapalibing. | ulat ni AJ Ignacio