Sabay-sabay na nanawagan sa Kongreso ang mga advocate ng medical cannabis para isabatas na ang legalidad ng paggamit ng cannabis.
Sa State of Philippine Medical Cannabis, nagsama-sama ang mga advocate para ipanawagan sa Kongreso na madaliin na ang panukalang batas tungkol dito.
Kabilang sa mga sumama sa naturang panawagan ay ang mga health expert, academy, mga abogado, dating police general, ilang opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kabataan at maraming iba pa.
Sabi nila, mura at epektibong gamot ang Cannabis laban sa mga sakit na cancer, epilepsy, Parkinson desease, insomnia, at maraming iba pa.
Sa ngayon, nasa plenary ng Kamara at Senado ang nasabing panukala matapos itong pumasa sa Committee level ng parehong Kapulungan.
Nais din nilang tutulan ang bersyon ng ilang mambabatas na magkaroon ng importasyon ng cannabis.
Ayon kay Dr. Richard Nixon Gomez ng Bauertek Corporation, kaya ng Pilipinas na magkaroon ng sariling cultivation, manufacturing at extraction.
Malaki din daw ang maitutulong nito sa mga magsasaka lalo pa at hindi naman mahirap itanim ang marijuana.
Kaya apela nila sa mga mambabatas, aksyunan na ang proposed bill upang matulungan na ang mga mahihirap na pasyente. | ulat ni Michael Rogas