Asahan na ang pagkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Inanunsiyo ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodea Romero, na magkakaroon ng pagbaba sa kada litro ng oil product sa susunod na linggo.
Kung saan base sa tatlong araw na trading, inaasahang bababa sa P0.50 to P0.80 ang kada litro ng gasolina, P0.20 to P0.50 sa kada litro ng diesel habang nasa P0.20 to P0.45 ang ibababa sa kada litro ng kerosene.
Inaasahang magbabago pa ang naturang halaga pagkatapos ng trading ngayong araw, at inaasahang sa Lunes ng umaga iaanunsiyo ang opisyal na presyo nito ng mga kumpanya ng langis. | ulat ni AJ Ignacio