Tutuparin ng PhilHealth ang pangako nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maisakatuparan ang mga target accomplishment upang maisama sa papalapit na SONA.
Ito ang inihayag ni PhilHealth President Emmanuel Ledesma sa pagpapasinaya ng Philippine Cancer Center.
Ayon kay Ledesma, sa kaniyang pag-upo bilang pinuno ng state health insurer, isa sa kaniyang ipinangako kay PBBM ay ang pagpapahusay sa serbisyo ng ahensya sa mga Pilipino.
Kaya naman positibo si Ledesma na sa darating na SONA sa Hulyo ay marami sa mga napagtagumpayan ng gobyerno na ilalahad ng punong ehekutibo ay mula sa Philhealth at Department of Health (DOH).
“I have been with PhilHealth for 18 months. From the day I joined, I promised President Marcos and the First Lady that we would move PhilHealth forward and we would really address the healthcare of all Filipinos,” sabi ni Ledesma.
“Prinamis ko po siya, and Speaker, I can assure you, and I’ve assured the First Lady and the President just last week, that in the upcoming SONA, a lot of accomplishments will come from PhilHealth and the Department of Health,” dagdag niya.
Kasabay nito ay pinasalamatan din ni Ledesma si Speaker Martin Romualdez na siyang nagtulak at humamon sa kaniya na magpatupad ng reporma sa Philhealth para sa kapakinabangan ng mga miyembro nito at ng mga Pilipino.
“I would like to thank Speaker Martin. Speaker, I don’t know if you recall, day one ko sa PhilHealth, sinabi mo sa akin, full support kami, basta no room for failure, failure is not an option,” saad ni Ledesma.
“I accepted your challenge, Speaker, and I’d like to think, based on the words of PBBM, so far, Speaker, we have delivered. Although the best is yet to come, Speaker. Promise po ‘yan,” sabi pa niya.
Nangako rin ang opisyal na tutulong ang Philhealth sa paglaban ng mga cancer patient sa kanilang sakit.
Una na rito ang pagtataas ng benefit package ng breast cancer sa ₱1.4 billion mula sa dating ₱100,000 sa ilalim ng Z benefit package.
At kapag aniya naging operational na ang Philippine Cancer Center ay agad itong isasama sa contracted partners ng Philhealth upang lahat ng Pilipino ay makabenepisyo sa mga health package.
“Let me assure you that PhilHealth will maintain its commitment to battle cancer at every step. We are one with the Philippine Cancer Center’s mission of bringing hope to every Filipino in the fight against cancer,” wika niya. | ulat ni Kathleen Forbes