Patong-patong na reklamo kabilang ang kasong plunder ang isinampa sa Office of the Ombudsman laban sa ilang opisyal ng pamahalaan at ng kumpanyang Megaworld Corporation na dating Megaworld Properties & Holdings Inc.
Nakapaloob sa 18 pahinang reklamo, kinasuhan ni Dr. John Chiong, Chairdating Megaworld KASANAG Inc. ang kasalukuyan at mga dating Naepartment of Environment and Natural Resources (DENR) Secretaries, DENR-NCR Directors, private respondents na si Andrew Tan President and CEO at Chairman of the Board of Directors ng Megaworld Corporation at dating Megaworld Properties & Holdings Inc, George Yang, Vice Chairman of the Board at iba pang Board of Directors ng kumpanya at kasalukuyan at mga dating opisyal ng Quezon City local government.
Bukod sa kasong plunder, inireklamo ang mga respondent ng paglabag sa Sections 3(a), 3(e) at 3(j)
ng RA 3019, paglabag sa PD 1067 series of 1976, paglabag sa 2017 rules on Administrative Cases in the Civil Service, Gross Neglect of Duty, Grave Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, paglabag sa Eastment Laws at iba pa.
Inakusahan ni Dr. Chong na nagsabwatan ang mga opisyal ng pamahalaan at business company para sa ilegal na proyekto sa Marikina River sa Eastwood, Libis, Quezon City.
Sa kaso ng Megaworld Corporation, ilegal na inokupahan nito ang 1,500 square meters na bahagi ng ilog at nagtayo ng istruktura dahilan para sumikip ang daluyan ng tubig.
Naniniwala ang complainant na ang pagsikip ng ilog ang isa sa dahilan ng pag-apaw ng tubig baha noong nagdaang mga malalakas na bagyo.
Sa panig ng DENR at Quezon City LGU, inakusahan ito na nagpabaya sa kanilang tungkulin at binigyan ng kapahintulutan ang Megaworld Corporation. | ulat ni Rey Ferrer