Binigyang halaga ni Finance Secretary Ralph Recto ang patuloy na pagbuti ng kalidad ng trabaho sa Pilipinas.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng pinakahuling Labor Force Survey result kung saan nakapag tala ng 45.9 million na trabaho at 13.9 underemployment rate.
Habang ang unemployment rate ay bumaba pa sa 4.5% mula 4.8% nuong parehas na buwan nuong 2023.
Ayon kay Recto, ineenjoy na ngayon ng mga “salary workers” ang “perks” sa kanilang trabaho gaya ng health insurance and social welfare benefits.
Aniya, ipinapakita lamang ng survey na mas marami nang empleyado ang nasa formal at stable na trabaho.
Sinabi pa ng kalihim na patuloy na ipatutupad ng DoF ng Growth-Enhancing Actions and Resolutions o GEARs upang matiyak na on track ang gobyerno sa pagkamit ng o fiscal consolidation na siyang maglilikha ng trabaho. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes