Ipinag-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. ang pag-audit sa rice disposition ng National Food Authority (NFA) sa gitna ng kontrobersyal na pagbebenta ng buffer stocks sa private traders.
Pinahintulutan ng kalihim ang Internal Audit Service ng Department of Agriculture (DA) na magsagawa ng pagsusuri sa rice stocks ng NFA.
Sisimulan ang pag-audit sa disposition data simula 2019 mula nang maipasa ang Rice Tarrification Law (RTL).
Hindi pinahintulutan ng RTL ang NFA na magbenta ng bigas sa publiko, isang probisyon sa batas na maaaring sinamantala ng ilang officials at traders sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga nalulumang rice buffer stocks.
Noong Lunes, ipinag-utos ng Ombudsman ang pagpataw ng preventive suspension sa 139 NFA officials at employees, kabilang si administrator Roderico Bioco at assistant administrator for operations John Robert Hermano.
Ito’y habang iniimbestigahan ng anti-graft body ang alegasyon ng katiwalian sa umano’y disadvantageous.
Sa pagbebenta sa private traders ng humigit-kumulang 75,000 na 50-kilong sako ng bigas. | ulat ni Rey Ferrer