Kampante ang mga magsasaka sa Magsaysay, Occidental Mindoro na makaka-recover pa rin ang kanilang mga pananim sa gitna ng nararanasang El Niño phenomenon.
Kabuuang 186.7 ektarya ng lupang pang-agrikultura, na may humigit-kumulang 50 ektarya na tinatamnan ng palay ang pinapangasiwaan ng Purnaga Magsaysay Irrigators Association.
Ang natitirang ektaryang lupain ay ginagamit para sa iba’t ibang pananim, tulad ng sibuyas.
Ayon sa NIA, kumukuha na ng suplay ng tubig para sa irigasyon ang mga magsasaka sa Magtangkub River. Ginagawa ito sa pamamagitan ng strategic rechanneling ng tubig sa primary source ng Caguray dam.
Nagtutulungan ang National Irristrategic rechannelingdental Mindoro IMO at Magsaysay local government para matulungan ang mga magsasaka .
Nagbigay ng mga kinakailangang equipment ang LGU para sa operasyon habang ang NIA naman ay nag alok ng fuel assistance.
Ang bayan ng Magsaysay ay kabilang sa iba pang lugar sa Occidental Mindoro na ideneklarang state of calamity dahil sa umiiral na el niño. | ulat ni Rey Ferrer