Nakikiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga kapatid nating Muslim para sa pagsisimula ng Ramadan.
“I am in solidarity with our Muslim brothers and sisters in the country and all over the world on the occasion of Ramadan.” —Pangulong Marcos.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nitong ito ang panahon para sa spiritual growth at upang magnilay, at pagyamanin ang pagiging mapagbigay at pagmamalasakit sa kapwa.
“Truly, this demonstration of faith speaks volumes of their deep introspection and shared devotion, allowing them to create a stronger bond in their communities through their beliefs.” —Pangulong Marcos.
Sinasalamin rin aniya ng Ramadan ang mayabong na pagkakaiba – iba ng kultura at relihiyon sa Pilipinas.
“It is with no doubt that our Muslim brothers and sisters have made invaluable contributions to our nation’s history and heritage, shaping our beloved motherland into the diverse and united country that it is today.” —Pangulong Marcos.
Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng kaganapang ito, mas magiging bukas at mapagpatawad ang lahat, tungo sa kabuuang pagsulong at pag-unlad ng bawat isa at sa hinaharap ng Pilipinas.
“Together, let us build a future where love and understanding prevail and where the light of hope shines brightly for all. I wish everyone a meaningful and solemn celebration.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan