Pinasisinungalingan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang post sa Facebook na mayroong job hiring sa ahensya.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Romel Lopez, fake news ang ikinakalat na post na gumagamit pa ng pangalan ng ahensya.
Nakasaad sa post na makakatanggap ng sahod na Php 800- ang sinumang matatanggap na aplikante.
Dahil dito hinihikayat ni Lopez ang lahat na huwag basta-basta maniwala sa mga content na hindi naman nanggaling sa credible at reliable source.
Kasabay nito ay nananawagan si Lopez at si DSWD Traditional Media Service Director Aldrine Fermin sa Meta na i-take down ang mga fake na FB page na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa mga programa ng DSWD.| ulat ni Rey Ferrer