Kaisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng lahat sa pakikidalamhati sa pamilya ng dalawang Filipino seafarers na nasawi dahil sa pag-atake ng Houthi sa True Confidence sa Red Sea at Gulf of Aden.
“I join the nation in offering our deepest sympathies to the families of the two Filipino seafarers who perished in the Houthi attack on True Confidence.” —Pangulong Marcos.
Ayon sa Pangulo, mahigpit ang ginagawang ugnayan ng pamahalaan sa pamilya ng nga biktima, kasabay ng pagsisiguro na maiuuwi sa bansa ang labi ng mga ito.
Tiniyak rin ng Pangulo na tinutulungan na ng gobyerno ang iba pang seafarers na sugatan at naapektuhan mula sa pag-atake.
“The government is in constant contact with their families, and we will spare no effort in bringing their remains home. The 13 surviving Filipino seafarers, including the three who were injured during the attack, are now safely in Djibouti and are being assisted by our Embassy in Cairo to return safely home as soon as possible.” —Pangulong Marcos.
Una na aniyang inatasan ang DFA, DMW, DOH, at DSWD na magbigay ng mga kinakailangang assistace sa mga seafarer at pamilya ng mga ito.
Sabi ni Pangulong Marcos, kaisa ang Pilipinas nang buong mundo sa panawagan na itigil na ang mga ganitong kaguluhan, at i-respeto ang kalayaan sa paglalayag.
“The Philippines joins global calls for the end to this conflict and for full respect for the principle of freedom of navigation. We remain firmly committed to the safety and welfare of our seafarers and overseas Filipino workers in the region.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan