Bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Women’s Month, iba’t ibang libreng serbisyo ang alok ng pamahalaang lungsod ng Caloocan para sa mga kababaihang residente.
Partikular dito ang Caloocan City Medical Center (CCMC) na buong linggong may aktibidad para sa mga kababaihan.
Kabilang dito ang libreng Pre-natal Yoga ngayong Lunes, March 11.
Mayroon ding libreng maternity shoot sa March 12, libreng clinic, paps smear at breast exam sa Huwebes, March 14 at Breast at Cervical Cancer awareness sa Biyernes, March 15.
Paalala lamang ng LGU, ipatutupad ang First Come, First Served basis sa mga serbisyong ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa