Nagsagawa ng public consultation ang Department of Energy para sa pagpapaigting ng mga polisya sa Competitive Selection Process Program ng kagawaran para sa lahat ng Electric Distribution Companies sa bansa upang masiguro ang pagkakaroon ng maayos at transparent na pagbili ng mga distribution companies ng kuryente para sa consumers nito.
Sa isinagawang public consultation kasama ang Energy Regulatory Commission o ERC National Electrification Administration o NEA at mga Electric Cooperatives sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang magkaroon ng maayos na sistema sa pag-procure ng kanilang power demand sa power providers.
Ayon kay Energy Undersecretary Rowena Guevarra, layon ng kanilang public consultation na magkaroon ng maayos na sistema sa ilalaim ng CSP program ang power distribution sector sa bansa mula sa procurement, transmission at distribution process ng kuryente at makapaghatid ng mas maayos na serbisyo sa kanilang mga consumers. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio