Inatasan na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza ang lahat ng Regional Directors at District Office heads na gawing prayoridad sa mga ipinatutupad na libreng Theoretical Driving Course (TDC) seminars ngayong buwan ang mga kababaihan.
Ang hakbang ay nakalinya sa direktiba ni Transportation Sec. Jaime J. Bautista na bumuo ng mga programa na kikilala sa mga kababaihan ngayong National Women’s Month.
“This is the LTO’s way of recognizing the role of Filipino women in the society, especially as the government’s partners in ensuring the safety of all road users,” Asec Mendoza.
Ang libreng TDC ng LTO ay bahagi ng outreach program ng ahensya para sanayin ang mga motorista sa road safety.
Sa pamamagitan nito, hindi na kailangan pang magbayad ng fee para sa TDC ang mga driver’s license applicants na karaniwang pumapatak sa P1,000 sa mga driving school. | ulat ni Merry Ann Bastasa