SIM card subscribers, humihirit ng ekstensyon para sa SIM Card Registration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humihirit pa ng palugit ang mga sim card subscriber na i-extend pa ang SIM Card Registration.

Matatandaan na sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa April 26 na ang deadline para dito.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas sinabi ng mga nakapagparehistro na magandang mairehistro ang lahat ng SIM card para makatulong sa pagsugpo at paglutas ng krimen.

Sa mga hindi pa nakakapagparehistro, walang goverment issued ID ang dahilan kaya’t bigo pa rin maiparehistro ang kanilang SIM card.

Base sa datos noong April 11, 40% pa lang o 66 milyon ang nakakapagpa-register na mula sa 168,977,773 na SIM card subscribers.

Ayon naman sa mga telco kabilang sa hamon na nakita sa pagpaparehistro ng SIM card ang lokasyon, hindi masyadong sanay sa paggamit ng digital, at walang valid ID ang mga nagpaparehistro. | ulat ni Don King Zarate

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us