Napanatili ng foreign direct investment (FDI) net inflows ang momentum ng paglago noong Disyembre 2023, tumaas ng 29.9 porsyento taon- taon upang umabot sa US$826 milyon mula sa US$636 milyon na net inflow noong Disyembre 2022.
Ang FDI increase ay dahil sa paglago sa non resident net investment sa debt instruments.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) bumuti ang equity capital placement sa naturang buwan ay mula sa japan investment partikular aa manufacturing industry.
Ayon sa BSP, ang kabuoang FDI para sa 2023 ay nakamit sa gitna ng mabagal global economic growth at geopolitical risk na nagbibigay agamagam sa mga investors.
Ang mga bansang Japan, USA, Singapore, Germany ang top sources ng FDI ng bansa noong nakaraang taon, ito ay sa sektor ng manufacturing, financial at insurance real estate at iba pa.| ulat ni Melany V. Reyes