Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na tututukan ng Pamahalaan ang iba’t ibang usapin na may kinalaman sa sektor ng paggawa.
Ito ang inihayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan matapos ganap na lagdaan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Trabaho Para sa Bayan Act.
Ayon kay Balisacan, kabilang sa mga makikinabang dito ay ang mga babaeng manggagawa gayundin ang mga nasa vulnerable at creative sector.
Minamandato ng Trabaho Para sa Bayan Act ang pagbuo ng isang master plan na magsisilbing gabay upang makalikha ng mga dekalidad na trabaho at maiangat ang kakayahan ng mga Pilipino.
Sinabi ni Balisacan na inaasahang matatapos ang binabalangkas nilang Trabaho Para sa Bayan Plan sa huling bahagi ng taong kasalukuyan. | ulat ni Jaymark Dagala