Kapwa pinagtibay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States IndoPacific Command (USINDOPACOM) ang malapitang kooperasyon ng dalawang pwersa.
Ito’y sa pagpupulong ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. at USINDOPACOM Commander Admiral John Aquilino sa Camp Aguinaldo kahapon.
Kabilang sa tinalakay ng dalawang opisyal ang nalalapit na PH-US Balikatan Exercise, mga susunod na maritime Cooperative activities (MCA), at mga proyekto sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.
Napag-usapan din ang pagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga “like-minded nations” upang itaguyod ang rules-based international order at ligtas at bukas na Indo-Pacific Region.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, ang pagpupulong ng dalawang opisyal ay patunay ng commitment ng dalawang pwersa na isulong ang mga programa na magpapalakas ng kanilang interoperability. | ulat ni Leo Sarne
📸: PFC Carmelotes/PAOAFP