Pres. Marcos Jr, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagtalaga ng mga bagong manunungkulan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mahigit 10 tanggapan ng pamahalaan.

Sa Department of Agriculture (DA) ay nagtalaga ng dalawang bagong Undersecretary sa katauhan ni Christopher Morales at Cheryl Marie Natividad-Caballero habang itinalaga naman bilang Assistant Secretary sa Kagawaran si Constante de Palabrica.

Sa Office of the President ay itinalaga bilang Assistant Secretary si Felix Castro.

Itinalaga din bilang Undersecretary sa Department of Finance (DOF) si Joven Balbosa at isang Assistant Secretary sa katauhan ni  Gerald Alan Quebral.

Bukod sa mga nabanggit ay nagtalaga din ang Pangulo ng mga bagong appointee sa Department of Information and Communications Technology (DTI) at Departmemt of Transportation (DOTr), gayundin sa Department of Agrarian Reform (DAR).

May mga bagong appointee rin sa Commission on the Filipino Language, National Youth Commission, Philippine Postal Corporation, at State Universities and Colleges.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us