Isinasapinal na ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang mga ginawang paghahanda para sa papalapit na Semana Santa.
Ayon sa DOTr, dahil sa ito ang panahon kung saan dagsa ang mga kababayang magsisipag-uwian sa mga lalawigan para doon magbakasyon at gunitain ang Mahal na Araw.
Ipinabatid pa ng Kagawaran na simula sa Marso 24 (Linggo ng Palaspas) hanggang Marso 31 (Linggo ng Pagkabuhay) ay itataas ang heightened alert status sa kanilang hanay.
Asahan namang maglalabas ng abiso ang DOTr hinggil sa mga isasagawa nilang aktibidad kaugnay nito simula ngayon hanggang sa mga susunod na araw.
Katuwang ng DOTr ang iba’t ibang law enforcement agencies gaya ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagtitiyak ng kaayusan at kaligtasan ng mga biyahero.
Karaniwang saklaw ng mga ginagawang paghahanda ng DOTr ay ang matiyak ang seguridad sa mga paliparan, pantalan, terminal ng bus at jeepney sa buong bansa. | ulat ni Jaymark Dagala