Tumaas ang kaso ng teenage pregnancy sa bansa na umabot sa 150,000 noong 2022.
Ito ang sinabi sa Bagong Pilipinas ni Commission on Population and Development Communication Division Chief Mylin Mirasol Quiray.
Ayon Kay Quiray, mas mataas ang nasabing datos sa higit 130,000 naitalang pagdadalang tao ng mga kabataan na naitala noong 2021.
Maituturing na aniyang gold medalist ang estado ng Pilipinas sa usapin ng teenage pregnancy na maikakabit sa iba’t ibang dahilan ng naging pagtaas nito.
Isa na aniya dito ayon kay Quiray, ang pagkakalantad ng mga kabataan sa pornograpiya na nakita ang mataas na exposure dito lalo na noong 2021 na kasagsagan ng pandemya.
Kaya panawagan ng ahensya partikular sa mga magulang, bantayan ang mga anak sa kung ano ang mga pinapanood sa internet. | ulat ni Alvin Baltazar