Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo, bukod sa heli-bucket operations ng 505th Search and Rescue Group para sabuyan ng tubig ang mga sunog sa kabundukan, aktibo ding nagsasagawa ng cloud seeding operations ang 900th Air Force Weather Group.
Gamit ang Philippine Air Force LC-210 aircraft, 1,200 kilo ng asin ang isinaboy sa kaulapan para lumikha ng ulan mula nang simulan ang operasyon noong Marso 2.
Nakikipag-coordinate din aniya ang Tactical Operations Group 1 sa ilalim ng Tactical Operations Wing Northern Luzon sa mga lokal na ahensya ng gobyerno, para sa mga operasyon kontra sa forest fires.
Tiniyak ni Col. Castillo, na commited ang PAF na suportahan ang firefighting efforts sa Benguet sa pamamagitan ng kanilang “expertise” sa heli bucket at cloud-seeding Operations. | ulat ni Leo Sarne