Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko kaugnay sa mga visa o immigration consultancy firm na nag-aalok ng trabaho sa mga Pilipino sa Canada.
Ayon sa DMW-Anti Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program, kung ang mga visa o immigration consultancy firm ay walang lisensya mula sa ahensya sila ang illegal, at hindi maaaring mag-recruit ng mga Pilipino para magtrabaho sa ibang bansa.
Nanawagan naman ang DMW sa mga biktima na napangakuan ng trabaho sa abroad ng ilegal na mga visa o immigration consultancy firm, na makipag-ugnayan sa ahensya.
Ito ay upang makapaghain ng reklamo at mapanagot ang mga nag-recruit o nanloko na mga empleyado o agent nito.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang Facebook page ng DMW – Anti Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Program. | ulat ni Diane Lear