Puspusan ang ginagawang paghahanda ng Department of Transportation – Special Action Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) katuwang ang Department of Information and Communications Technology – Cybercrime Investigation and Coordination Center (DICT-CICC), at ang Scam Watch Pilipinas para sa maayos na paggunita ng Holy Week 2024.
Kaugnay nito pormal na inilunsad ngayong araw ang “Online Bantay Lakbay 2024” na magtatag ng Hotline 1326 na tutugon sa pangangailangan ng mga pasahero at commuter laban sa online scam.
Kabila na rito ang:
1. Pekeng accommodation
2. Pekeng Wifi
3. Mga too-good-to-be-true na deal
4. “Free” vacation trap
5. Pekeng travel agents
6. Overpriced tours
7. Charity cons
8. Pekeng pera
9. Hidden CCTVs
10. Mga kolorum na sasakyan
11. Pagbebenta ng nawawalang luggage sa FB
12. Pekeng SIMs
13. Fixer, at
14. Umano’y mga murang airline ticket sa social media
Ayon sa SAICT, layon ng naturang inisyatibo na makapagbigay ng ligtas at maayos na biyahe para sa mga pasahero sa buong bansa lalo na ngayong darating na Mahal na Araw.
Kabilang din sa ginagawang paghahanda ang 24/7 pagbabantay ng operasyon ng EDSA Busway, mga terminal ng bus, pinaigting na operasyon laban sa mga colorum na sasakyan, at mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko sa buong Metro Manila at karatig na mga lugar. | ulat ni Diane Lear