Nasa 1,589 na mga mangingisda at senior citizen mula Aborlan Palawan ang nakatanggap ngayong araw ng nasa P6 million na halaga ng cash assistance, na una nang ipinangako ni Speaker Martin Romualdez upang ibsan ang epekto ng tensyon sa West Philippine Sea
Isinagawa ang dalawang araw na pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong residente ng Aborlan sa pamamagitan ng AICS program ng DSWD, katuwang ang Palawan 3rd district caretaker office.
Matatandaan na itinalaga si Speaker Romualdez bilang legislative caretaker matapos mamayapa si Rep. Edward Hagerdorn.
“This payout manifests my solemn commitment to help the distressed residents of Aborlan as their caretaker and in accordance with the policy of President Ferdinand R. Marcos, Jr. that no one should be left behind. This is just the beginning as we are working in earnest to honor the rest of the pledge, I gave to the leaders of fisherfolks during our recent meeting,” sabi ni Romualdez.
Nagpasalamat din ang House leader kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mabilis nitong tugon sa kanilang assistance request.
Ang 1,000 senior citizen ay nakatanggap ng tig-P3,000 na food assistance
Habang ang mga mangingisda ay nakatanggap naman ng P5,000 cash assistance. | ulat ni Kathleen Forbes