Tampok ang Ramadhan lights display na may iba’t ibang disenyo sa Bangsamoro Government Center, Lungsod ng Cotabato, tuwing gabi bilang bahagi ng aktibidad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ngayong Buwan ng Ramadhan.
Maliban rito ay makikita rin ang iba’t ibang mga lokal na produkto sa kakabukas lamang na Ramadhan Trade Fair sa pangunguna ng Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTIT) kasama ang iba pang ahensya at mga trade fair enthusiasts.
Nilalayon ng nasabing aktibidad ang patuloy na promosyon at pagbibigay oportunidad para sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME) sa pagpapalago ng kanilang mga negosyo.
Binigyang diin ni MTIT Minister Abuamri Taddik ang ilan sa mga makabuluhang epekto ng pagbubukas ng trade fair na ito kung saan matulungan ang mga lokal na producer at negosyante sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng lugar para sa pagbebenta ng kani-kanilang mga halal na produkto at serbisyo.
Nakilahok rito ang mga lokal na 50 exhibitors at bukas ang nasabing trade fair mula alas tres ng hapon hanggang alas dyes ng gabi.| ulat ni Johaniah Yusoph| RP1 Marawi