Mahigit kalahating milyong job order at contract of service government workers ang maaari nang magtamasa ng social security protection ng Social Security System.
Ito’y dahil sa ipinatupad na SSS membership expansion program ng ahensya.
Sinabi ni SSS Executive Vice President for Branch Operations Sector Voltaire Agas, napagpasyahan ng SSS na isama ang temporary government workers sa SSS coverage sa pamamamagitan ng KaSSSangga Collect Program.
Kabilang sa mga government agencies na pumasok sa kasunduan ng SSS sa ilalim ng KaSSSangga Collect Program ay ang Quezon City District 2 ng Department of Public Works and Highways.
Saklaw ng kasunduan ang mahigit 200 JO at COS workers, na karamihan ay street sweepers.
Pinakamaraming membership coverage ay naitala sa Quezon City na may 15,000 JOs.
Bago ang partnership ng SSS-QC Government, nagkaroon na rin ng kasunduan ang Lokal na Pamahalaan ng Mandaluyong, Taguig at Malabon noong 2023.
Sinabi pa ni Agas, na marami pang government agencies na mayroong JO workers ang inaasahang sumali sa KaSSSangga Collect Program.
Noong Enero 2024 lamang,umabot sa 32 government institutions sa National Capital Region ang pumasok na sa kasunduan.
Karagdagan pa dito ang 74 program partners mula sa Luzon, Visayas at Mindanao at nakakuha ng SSS membership ng 2,251 temporary workers. | ulat ni Rey Ferrer