DOJ, pinag-aaralan nang ikonsidera bilang terorista si Rep. Arnie Teves

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) na ideklara bilang isang terorista si suspended Representative Arnulfo Aarnie’ Teves Jr. sa ilalim ng Anti-Terrorism law.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na maikokonsiderang terorismo ang ilan sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Kabilang na aniya dito ang recruitment ng gunmen, financing, pagbili at pamamahagi ng mga armas.

Gayunman, sinabi ni Remulla, na sa 10 naarestong gunmen hindi na nila inihain ang kasong paglabag sa Anti-Terrorism Law dahil kinakailangan pa nito ng mas malawak na teorya at pag-aaral, at posibleng ma-prejudice ang iba pang convictions sa ibang kaso na may kaparehong parusa tulad ng multiple murder.

Ang maaari na lang aniya nilang gawin ay ipatupad ang anti terror law kay Teves, na maaari nilang hilingin sa Court of Appeals at sa Anti-Terror Council, na prescribe at i-designate siya bilang terorista.

Kinumpirma rin ni Remulla, na nasakote na ang lahat ng gunmen na nakita sa CCTV sa pagsalakay sa bahay ni Teves kasama na ang recruiter ng gunmen.

Ayon naman sa AFP, siyam sa 10 nasakote ay may military background habang ang isa ay dating miyembro ng New People’s Army. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us