Bukod sa mga regular na Kadiwa sites ay magkakaroon din ngayong araw ng Special Kadiwa pop-up store sa isang kilalang pasyalan sa Taguig City.
Sa abiso ng Department of Agriculture (DA) Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS), magbubukas ang isang Kadiwa pop-up store sa ikalawang palapag ng Cinema Lobby sa Venice Grand Canal, sa Mckinley Hill, simula alas-11 ng umaga.
Makakatuwang dito ng DA ang National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP).
Ilan sa mga itatampok ritong paninda ang murang mga gulay, prutas, seafood, bigas, itlog, karne, at iba pang agri-products.
Kaugnay nito, bukas rin ngayong araw ang Kadiwa Sites sa Mandaluyong, Pasay, Quezon City, Las Piñas, Parañaque, Caloocan, Taguig at Valenzuela City. | ulat ni Merry Ann Bastasa