Sabay-sabay na sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ang anim na establishments sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City, dahil nagbebenta ng counterfeit luxury brand products.
Aabot sa Php223,867,715 ang kabuuang halaga ng fake products ang nasamsam ng NBI agents.
Nag-ugat ang kaso nang makatanggap ng reklamo ang NBI-NCR kaugnay sa paglaganap at pagbebenta ng mga pekeng produkto sa merkado.
Matapos makakuha ng search warrants ang NBI operatives mula sa Manila Regional Trial Court Branch 46, agad sinalakay ang dalawang establishments ng Peter Uy Perez General Merchandise at apat pang establishments ng 769 Leathergoods Trading.
Nakumpiska sa mga establisimiyento ang mga pekeng bag, tsinelas, alahas, at mga relo na may tatak ng Chanel, Hermes, at Rolex na nagkakahalaga ng higit Php200 milyong. | ulat ni Rey Ferrer