Inihayag ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama na dapat nang asahan ng pamahalaan ang mga problemang maaaring kaharapin ng bansa sa hinaharap.
Sa harap na rin ito ng nakabuntot na La Niña pagkatapos ng matinding tag-init na nararanasan dulot ng El Niño.
Ayon kay Villarama, bilin mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na maghanap na ng solusyon bago pa man dumating ang problemang inaasahan.
Katwiran aniya dito ng Pangulo sabi ni Villarama ay upang maunahan na ng kailangang paghahanda ang paparating na problema kaysa mabulaga ng isang suliraning hindi nagawan ng preparasyon.
Ganito aniya ang mind set sa itinataguyod ng administrasyon na Bagong Pilipinas. | ulat ni Alvin Baltazar