Nilinaw ni House Committee on Legislative Franchises Chair Gus Tambunting na sasailalim sa regular na proseso ang panukalang bawiin ang legislative franchise ng Swara Sug Media Corporation o Sonshine Media Network International (SMNI).
Sa pulong balitaan, sinabi ni Tambunting na gaya ng ibang panukala, kailangan isalang sa plenaryo ng Kamara ang panukala at ipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa, at pagkatapos ay dadalhin sa Senado para doon naman talakayin at aprubahan
Miyekrules nang pagtibayin ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 9710 na nagpapabawi sa prangkisa ng SMNI.
Batay sa panukala, nilabag ng SMNI ang ilan sa probisyon ng prangkisa nito gaya ng Section 4 dahil sa red tagging, ang pagpapakalat ng fake news at sections 10, 11, at 12 patungkol sa change of ownership nang walang tamang reportorial requirement sa loob ng tatlong dekada. | ulat ni Kathleen Jean Forbes