Pagkakaaresto sa isang Top Communist Terrorist Group Leader, pinapurihan ng NTF- ELCAC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ng National Task Force to End Local Terrorist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkakaaresto ng mga awtoridad sa puganteng terorista na si Eric Casilao na isa sa mga itinuturing na pinakamataas na opisyal ng grupo.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., isang malaking tagumpay para sa pamahalaan ang pagkakaaresto kay Casilao.

Sa pagkakaaresto ni Casilao sa Malaysia, sinabi ni Torres na patunay lamang ito na walang kriminal o terorista ang makatatakas sa kamay ng batas ng Pilipinas, at kaniya nang haharapin sa korte ang mga kasong inihahabla sa kaniya.

Si Casilao ay tumatayong kalihim ng Southern Mindanao Regional Committee ng Communist Party of the Philippines, na ngayon ay itinuturing na nilang ganap na nagapi.

Nagpasalamat din si Torres sa lahat ng kanilang Malaysian counterpart na nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Pilipinas para sa ganap na ikaaaresto ni Casilao. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us